Pag-iisang Dibdib ng Tatlong Bagong Kasal, Binasbasan ng Pamahalaang Bayan
- SB San Rafael

- Jun 25
- 1 min read

Upang gabayan ang pagbuo ng mga bagong pamilyang San Rafaeleño, pormal na pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang pagpapakasal at pagbabasbas sa tatlong pares ng magkakasintahan na ganap nang nag-isang dibdib ngayong linggo.

Nagsilbi bilang solemnizing officer si Mayor Goto sa isang simpleng seremonya kung saan pinagtibay ang sumpaan at pagmamahalan ng mga sumusunod na bagong mag-asawa:
Mr. & Mrs. Machail Edrich & Alyssa Mae Vicencio
Mr. & Mrs. Aaron Neil & Kendie Concepcion
Mr. & Mrs. Dennis & Irene Payumo

Sa kaniyang naging mensahe sa mga bagong kasal, nagpaabot ng payo at paalala ang punong bayan ukol sa kahalagahan ng pagtutulungan, pag-unawaan, at paggabay ng Panginoon sa loob ng tahanan upang mapagtagumpayan ang anumang hamon ng buhay-may-asawa.
Hangad ni Mayor Goto at ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama para sa tatlong pares habang tinatahak nila ang kanilang bagong yugto bilang magkatuwang sa buhay.





Comments