top of page

Pag-ibig sa San Rafael: Mr. & Mrs. Taruc, Opisyal nang Pinagbuklod


Opisyal nang pumasok sa bagong yugto ng kanilang buhay pag-ibig ang magsing-irog matapos silang pagbuklurin sa banal na kasal na pinangunahan mismo ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.


Buong kagalakang pinag-isang dibdib ng alkalde ang bagong kasal na sina Mr. Jervish Taruc at Mrs. Mary Rose Taruc sa isang simple ngunit makabuluhang seremonya. Bilang Solemnizing Officer, ibinahagi ni Mayor Violago ang ilang mahahalagang payo ukol sa pagpapanatili ng respeto, pagmamahalan, at unawaan sa loob ng tahanan.



Kaugnay ng pag-iisang dibdib na ito, ang Tanggapan ng Punong Bayan at ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay nagpaabot ng kanilang taos-pusong pagbati sa bagong kasal.


Hangad ng lokal na pamahalaan ang isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama para sa mag-asawang Taruc habang itinatalaga nila ang kanilang mga sarili bilang bagong katuwang na pamilya sa pagtataguyod ng isang masiglang komunidad sa bayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page