top of page

Pag-ibig sa Bayan ng mga Anghel: Dalawang Couple, Opisyal nang Nag-isang Dibdib


Puno ng kagalakan ang tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael matapos pangunahan ng Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng dalawang magkasintahan ngayong araw.


Sa isang simple ngunit makabuluhang seremonya, opisyal na pinag-isa ang sumusunod na mga couple:

  • Mr. & Mrs. Jerick John & Cynthia Marie Del Mundo

  • Mr. & Mrs. Reymark & Eliza Shayne Villanueva



Ang pagpapakasal ay isa sa mga mahalagang serbisyong sibil na ginagampanan ng Punong Bayan. Sa kanyang mensahe, ipinaabot ni Mayor Goto ang kanyang taos-pusong pagbati sa mga bagong kasal. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagmamahalan, pagtitiwala, at pag-unawa sa pagbuo ng isang matatag at mabiyayang pamilya.


Hangad ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang matagumpay, maligaya, at habambuhay na pagsasama para sa mga bagong kasal. Ang kanilang pagbuo ng pamilya ay isa ring patunay ng pag-asa at pagmamahalan na patuloy na namamayani sa ating bayan.

Comments


bottom of page