top of page

Paalala sa Publiko: Oras ng Operasyon ng Pamahalaang Bayan para sa April 1, 2026


Alinsunod sa Memorandum Circular No. 116 na nagmula sa Tanggapan ng Pangulo, ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael ay naglalabas ng mahalagang anunsyo hinggil sa operasyon ng lahat ng tanggapan ng pamahalaan bukas, April 1, 2026.


Upang magsilbing gabay sa ating mga kababayan at mga kawani, narito ang itinakdang schedule:

  • 🕗 8:00 AM – 12:00 PM: Ang lahat ng tanggapan ay magpapatupad ng Work From Home (WFH) arrangement.

  • 🕐 1:00 PM – 5:00 PM: SUSPENDIDO na ang pasok sa lahat ng mga tanggapan ng pamahalaan.


Pinapayuhan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion ang mga mamamayang may transaksyon sa munisipyo na isagawa ito sa ibang araw o makipag-ugnayan sa mga opisyal na online channels ng bawat departamento kung kinakailangan.


Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagtalima ng ating lokal na pamahalaan sa pambansang direktiba para sa kapakanan at kaayusan ng lahat ng mga lingkod-bayan at ng publiko.

Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

Comments


bottom of page