Oportunidad sa Trabaho: Kapwa at Kabalikat Multi-Purpose Cooperative, Naghahanap ng mga Kawani
- SB San Rafael

- May 26
- 1 min read

Isa na namang lokal na kumpanya ang nagbubukas ng pintuan para sa mga mamamayang San Rafaeleño na naghahanap ng mapagkakakitaan at stabilisadong trabaho sa bayan.
Opisyal na inanunsyo ng Kapwa at Kabalikat Multi-Purpose Cooperative (KREXIM), na matatagpuan sa Mahogany Compound, Barangay Tambubong, San Rafael, Bulacan, na sila ay kasalukuyang nangangailangan ng mga karagdagang tauhan upang mapabilang sa kanilang lumalagong pamilya.
Sa partikular, bukas ang kooperatiba para sa posisyon ng mga Production Workers.
Para sa mga interesadong aplikante na nais samantalahin ang pagkakataong ito, maaari nang magsumite ng kanilang pinakabagong updated resume sa tanggapan ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael. Ang opisina ng PESO ay matatagpuan sa likod ng Victory Coliseum sa loob ng compound ng Munisipyo ng San Rafael.
Ang paglalapit ng mga ganitong oportunidad ay bahagi ng patuloy na pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan sa mga pribado at komunidad na sektor upang masiguro na ang mga bakanteng trabaho sa loob ng bayan ay direktang mapakinabangan ng mga kwalipikadong residente ng San Rafael.





Comments