top of page

Oportunidad sa Kabataang San Rafaeleño: SPES 2026 Application, Sinimulan Na


Magandang balita para sa mga kabataang nais magkaroon ng karanasan sa trabaho at dagdag na pondo para sa pag-aaral! Opisyal nang binuksan ng Public Employment Service Office (PESO) San Rafael ang aplikasyon para sa Special Program for the Employment of Students (SPES) 2026.


Ang programang ito ay bahagi ng adhikain nina Mayor Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Vice Mayor Edison M. Veneracion na matulungan ang mga kapus-palad ngunit karapat-dapat na mga estudyante at Out-of-School Youth (OSY) sa ating bayan.


Narito ang mga kuwalipikasyon para sa mga nais mag-apply:

  • Tunay na residente ng San Rafael;

  • May edad na 15 hanggang 30 taong gulang;

  • Estudyanteng walang bagsak na grado;

  • Out-of-school youth na may planong mag-enroll sa susunod na school year;

  • Estudyanteng magte-take ng review classes para sa board exam; at

  • May kabuuang kita ang mga magulang na hindi hihigit sa Php 231,059.80 kada taon (after taxes).


Mahahalagang Paalala: Ang lahat ng mga aplikante ay kailangang sumailalim sa isang written examination. Ang pagsusumite ng mga requirements ay gaganapin sa March 5, 2026 lamang. Mahigpit na ipinapaalala ng PESO na hindi tatanggapin ang mga aplikasyong may kulang na dokumento.


Hinihikayat ang lahat ng mga interesadong kabataan na maghanda nang maaga upang hindi mapalampas ang pagkakataong ito na maging bahagi ng SPES 2026.

Comments


bottom of page