Oportunidad at Edukasyon para sa Kabataan, Binigyang-Diin sa World Population Day sa San Rafael
- SB San Rafael

- 3 days ago
- 1 min read

Sa layuning maitaguyod ang kapakanan at magandang kinabukasan ng susunod na henerasyon, nakiisa ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pandaigdigang pagdiriwang ng World Population Day ngayong ika-11 ng Hulyo, 2026.
Ang pakikibahaging ito ay pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., kasama si Pangalawang Punongbayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Ngayong taon, ang pagdiriwang ay ginabayan ng temang "Realizing the Hopes and Aspirations of Young People for their Futures." Nakatuon ang temang ito sa kahalagahan ng pagbibigay ng sapat na edukasyon, tamang gabay, at pantay na mga oportunidad sa mga kabataan upang matulungan silang maabot ang kanilang mga pangarap.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang wastong pamamahala sa populasyon ay nagsisimula sa paggabay sa mga kabataan. Kung sila ay mabibigyan ng tamang suporta, mas madali silang makakapag-ambag ng positibong kontribusyon para sa pag-unlad ng lipunan at ng buong bayan ng San Rafael.
Bahagi rin ng adyenda ng kasalukuyang administrasyon ang patuloy na paglulunsad ng mga programang pang-edukasyon at pangkabuhayan upang matiyak na walang kabataang San Rafaeleño ang mapag-iiwanan sa pagbuo ng isang progresibong komunidad.





Comments