Opisyal na Listahan ng Participants at mga Coach, Inabas na
- SB San Rafael

- Apr 6
- 1 min read

Pormal nang ipinakilala ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang mga bihasang Basketball Coaches na magsisilbing gabay at tagapagsanay ng ating mga kabataan para sa Summer Sports Clinic 2026 ngayong buwan ng Abril.
Sa ilalim ng programa nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, layunin ng pagpili sa mga de-kalidad na coaches na hindi lamang mapahusay ang pisikal na kasanayan sa paglalaro ng basketball, kundi pati na rin ang pagtuturo ng disiplina at sportsmanship sa loob at labas ng court.
Kasabay nito, inilabas na rin ang opisyal na listahan ng mga rehistradong participants para sa basketball category. Hinihikayat ang lahat ng mga nag-apply na i-verify ang kanilang mga pangalan sa kalakip na listahan upang matiyak ang kanilang slot sa pagsasanay.
Paalala sa lahat ng mga manlalaro:
📍 Venue: Victory Coliseum
🕗 Oras: 8:00 AM – 12:00 PM
👟 Paalala: Mangyaring dumating nang maaga at magdala ng sariling sports gear.
Ang training na ito ay eksklusibo para sa mga rehistradong kalahok bilang bahagi ng patuloy na adhikain ng lokal na pamahalaan at ng Sangguniang Bayan na palakasin ang programang pangkabataan at pampalakasan sa ating mahal na bayan.





Comments