Opisyal na Listahan ng Badminton Participants at Coaches, Inilabas na
- SB San Rafael

- Apr 6
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapatuloy ng Summer Sports Clinic 2026, pormal nang ipinakilala ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang mga bihasang Badminton Coaches na mangangasiwa sa pagsasanay ng mga kabataan ngayong buwan ng Abril.
Sa ilalim ng adbokasiya nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, layunin ng programang ito na ituro ang tamang teknik, bilis, at diskarte sa loob ng badminton court. Inaasahan na sa pamamagitan ng gabay ng ating mga coaches, mahuhubog ang disiplina at sportsmanship ng bawat kalahok.
Kasabay nito, inilabas na rin ang opisyal na listahan ng mga rehistradong Badminton participants. Pinapayuhan ang lahat ng mga nag-apply na i-verify ang kanilang mga pangalan sa kalakip na listahan upang matiyak ang kanilang slot at opisyal na pakikilahok.
Paalala para sa mga manlalaro:
📍 Venue: Sportzify Badminton Center
🕗 Oras: 8:00 AM – 10:00 AM
🏸 Paalala: Mangyaring dumating sa itinakdang oras at tiyaking dala ang inyong kaukulang sports gear (racket, sapatos, at tubig).





Comments