Ocular Inspection, Isinagawa sa Isang Apartment Project sa Banca-Banca
- SB San Rafael

- 6 days ago
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapanatili ng maayos na pagpapatupad ng mga batas sa konstruksyon at imprastraktura, nagsagawa ng isang ocular inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa isang ipinapatayong apartment sa Barangay Banca-Banca.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ni Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion. Kasama ang mga miyembro ng konseho, personal nilang binisita ang site upang masuri ang kasalukuyang kalagayan ng proyekto at matiyak na ang bawat aspeto ng gusali ay tumatalima sa mga umiiral na alituntunin at regulasyon ng Pamahalaang Bayan.

Ayon kay Vice Mayor Veneracion, mahalagang masiguro na ang mga itinatayong istraktura sa bayan ay dumaan sa tamang proseso at sumusunod sa National Building Code at iba pang lokal na ordinansa. Layunin nito na maiwasan ang anumang aberya at matiyak ang kaligtasan ng mga magiging residente at ng kalapit na komunidad.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na kampanya ng lokal na pamahalaan na tiyaking ang pag-unlad ng mga gusali sa San Rafael ay naaayon sa plano at ligtas para sa lahat.





Comments