top of page

Ocular Inspection at Pampublikong Pagdinig, Isinagawa sa Barangay Caingin

Aug 7
1 min read

Nagsagawa ang Sangguniang Bayan ng San Rafael ng ocular inspection at pampublikong pagdinig sa Barangay Caingin bilang bahagi ng proseso para sa mga kahilingang mabigyan ng Sangguniang Bayan Clearance.


Sinuri at tinalakay sa isinagawang aktibidad ang panukalang reclassification ng 15,280 square meters na lupain mula agricultural patungong industrial, gayundin ang kahilingan para sa Sangguniang Bayan Clearance ng isang 4,500-square-meter warehouse.



Layunin ng ocular inspection at pampublikong pagdinig na magkaroon ang Sanggunian ng masusing pagsusuri at sapat na batayan bago magsagawa ng kaukulang aksyon sa mga naturang kahilingan.

Comments


bottom of page