top of page

Nutrisyon at Kalikasan, Ipinamalas sa Cooking Contest 2026 sa San Rafael

Jul 22
1 min read

Sa layuning isulong ang paghahanda ng masustansyang pagkain kasabay ng pangangalaga sa kapaligiran, matagumpay na isinagawa ng Municipal Nutrition Office (MNO) San Rafael ang Cooking Contest 2026 nitong Hulyo 21, 2026.


Ginanap ang naturang kompetisyon sa New Gym, Municipal Compound, San Rafael, Bulacan mula 1:00 hanggang 5:00 ng hapon.


Tampok sa aktibidad ang temang "Nutrisyon at Kalikasan, ating Pangalagaan!" kung saan nagpamalas ng husay at pagiging malikhain ang mga kalahok sa pagluluto ng mga pagkaing masustansya, abot-kaya, at nakatutulong sa pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.


Ang programang ito ay bahagi ng mga inisyatibo ng MNO San Rafael, sa buong suporta ng Pamahalaang Bayan sa pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, upang paigtingin ang kamalayan ng mga pamilyang San Rafaeleño sa kahalagahan ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa inang kalikasan.


Comments


bottom of page