top of page

NEB Meeting at Conference ng Presiding Officers, Naghatid ng Bagong Kaalaman

Sep 4
1 min read

Nagpatuloy ang 3rd Quarter 2026 National Executive Board (NEB) Meeting and 3rd Conference of the Academy of Presiding Officers na isinagawa ng Vice Mayors’ League of the Philippines (VMLP), kung saan tinalakay ang iba’t ibang paksa kaugnay ng pamumuno, paggawa ng polisiya, at serbisyo publiko.


Sa Session A, tinalakay ni Prof. Simeon A. Ilago ang “Ensuring Evidence-Based Legislation,” habang ibinahagi naman ni Atty. Benedicto M. Gonzales, Jr. sa Session B ang “Leading Policy Evaluation for Oversight.”



Tinalakay rin ni Dr. Teresa S. Congjuico ang Strategic Communications, na mahalaga sa maayos na paghahatid ng impormasyon hinggil sa mga programa at gawain ng Sangguniang Bayan.


Layunin ng pagtitipon na mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga presiding officer upang higit na mapabuti ang kanilang mga tungkulin at serbisyo sa mga mamamayan.

Comments


bottom of page