top of page

National Solo Parents Week 2026: San Rafael, Nagpupugay sa Katatagan ng mga Solo Parents


Bilang pagkilala sa pambihirang lakas at sakripisyo ng mga magulang na mag-isang itinataguyod ang kanilang pamilya, nakiisa ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng National Solo Parents Week mula ika-13 hanggang ika-18 ng Abril, 2026.


Sa ilalim ng temang "Hindi ka Nag-iisa sa Iyong Pag-iisa: Yakap at Kalinga para sa Solo Parent," binigyang-pugay ng lokal na pamahalaan ang katatagan ng mga solo parents na nagsisilbing kapwa haligi at ilaw ng kanilang mga tahanan.


Ang pagdiriwang na ito ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, at ng buong Sangguniang Bayan. Layunin ng aktibidad na ipadama sa bawat solo parent sa bayan na mayroon silang katuwang at suportang maaasahan mula sa gobyerno.


Ayon kay Mayor Goto, ang mga solo parents ay tunay na inspirasyon sa komunidad dahil sa kanilang kakayahang harapin ang mga hamon ng buhay nang mag-isa para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Kasabay nito, tiniyak ng lokal na pamahalaan ang patuloy na pagpapatupad ng mga benepisyo at programang nakasaad sa Solo Parents’ Welfare Act upang maibsan ang kanilang mga pasanin.


Comments


bottom of page