National Simultaneous School Safety Drill 2026, Isinagawa sa San Rafael
Updated: Sep 4

Isinagawa ngayong araw ang National Simultaneous School Safety Drill 2026 sa mga paaralan sa buong bansa bilang bahagi ng pagpapalakas ng kahandaan sa emergency at kalamidad.
Sa San Rafael, pinangunahan ng Carlos F. Gonzales High School ang pagsasagawa ng simulation drill upang masubok at mapalakas ang kahandaan ng mga mag-aaral, guro, at school personnel sa tamang pagtugon sa iba’t ibang emergency situation.

Dumalo sa aktibidad si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, bilang kinatawan ni Punong Bayan Cipriano D. Violago, Jr., kasama si Congressman Mark Cholo I. Violago ng 3rd District of Bulacan.
Nakiisa rin sa drill ang Philippine National Police (PNP), DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DepEd-DRRMS), MDRRMO San Rafael, at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni Secretary Jonvic C. Remulla.
Layunin ng aktibidad na mapalakas ang kaalaman, koordinasyon, disiplina, at mabilis na pagkilos ng school community sa panahon ng lindol, sunog, sakuna, at iba pang emergency.






Comments