MUNICIPAL NUTRITION OFFICE, NAGSAGAWA NG FOOD FORTIFICATION MONITORING SA MGA PAARALAN

Nagsagawa ng field monitoring ang Municipal Nutrition Office sa pangunguna ni Municipal Nutrition Action Officer (MNAO) Gng. Kristina Anne A. Bisquera, RND, kasama ang kanyang mga kawani, sa ilang elementary school sa San Rafael ngayong Miyerkules, Nobyembre 11.
Kabilang sa mga binisitang paaralan ang mga nasa Barangay Salapungan, San Agustin, Maguinao, Paco, Pinac-pinacan at Talacsan. Bahagi ang aktibidad ng pagdiriwang ng Food Fortification Month.
Layunin ng monitoring na matiyak ang maayos na pagpapatupad ng Food Fortification Program at mapalawak ang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng iodized salt at pagkonsumo ng fortified foods.
Sa pamamagitan nito, isinusulong ng lokal na pamahalaan ang pagpapalakas ng kaalaman at kamalayan sa wastong nutrisyon para sa kalusugan ng mga pamilya sa San Rafael.






Comments