top of page

Municipal Development Council, Naglatag ng mga Plano para sa Mas Maunlad na San Rafael

Aug 26
1 min read

Nagsagawa ng pagpupulong ang Municipal Development Council (MDC) ng San Rafael ngayong Lunes, Agosto 24, 2026, bilang bahagi ng patuloy na pagpaplano para sa pag-unlad ng bayan.


Pinangasiwaan ng Municipal Planning and Development Office (MPDO), bilang Secretariat ng MDC, ang nasabing pagpupulong na pinangunahan ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr., Chairman ng Municipal Development Council.


Dumalo rin sa pagpupulong si Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison M. Veneracion, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, mga Punong Barangay, at mga kinatawan mula sa iba't ibang organisasyon at Civil Society Organizations (CSOs) na kabilang sa konseho.


Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang mga sumusunod:

  • Presentation of Supplemental Investment Program No. 2

  • Presentation of the Programs, Projects, and Activities (PPAs) to be Funded from the 20% LGDF

  • Presentation of the 2027 Annual Investment Program



Layunin ng pagpupulong na mapag-ugnay ang mga plano at programa ng lokal na pamahalaan, mga barangay, at iba't ibang sektor ng komunidad upang matiyak na ang mga proyekto at aktibidad na isasagawa ay naaayon sa mga pangangailangan at prayoridad ng mga mamamayan.


Binigyang-diin sa pagpupulong ang kahalagahan ng maayos na pagpaplano, koordinasyon, at pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang maisulong ang mga programang makatutulong sa patuloy na pag-unlad ng San Rafael.


Sa pamamagitan ng sama-samang pagpaplano at pagkilos, patuloy na isinusulong ng Municipal Development Council ang mga hakbang tungo sa isang mas maunlad, progresibo, at responsive na San Rafael.

Comments


bottom of page