Municipal Advisory Group, Nagpulong para sa Pagpapaunlad ng Serbisyo ng Kapulisan

Isinagawa nitong Oktubre 21, 2026 ang pagpupulong ng Municipal Advisory Group for Police Transformation and Development sa SB Conference Room ng San Rafael Municipal Building.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga usaping may kaugnayan sa pagpapabuti ng serbisyo ng Philippine National Police (PNP) at pagpapalakas ng ugnayan nito sa Pamahalaang Bayan at iba pang sektor ng komunidad.
Layunin ng pagpupulong na mapalakas ang pagtutulungan ng mga kinauukulang sektor upang maisulong ang mas maayos at epektibong serbisyo ng kapulisan.
Inaasahang makatutulong ang mga napag-usapan sa pagpapanatili ng kapayapaan, kaayusan, at kaligtasan ng mga mamamayan ng San Rafael.






Comments