MSWDO, Pinangunahan ang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa San Rafael
- SB San Rafael

- Aug 3
- 1 min read

Bilang simbolo ng patuloy na paggalang sa watawat ng Pilipinas at pagmamahal sa bayan, muling nagkaisa ang mga kawani at opisyal ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat ngayong Lunes, Agosto 3, 2026.
Ang naturang palatuntunan ay pinangunahan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) sa ilalim ng pamumuno ni Gng. Ma. Victoria G. Ramos.
Naging pagkakataon ang pagtitipon upang muling paalalahanan ang bawat pampublikong lingkod-bayan na isabuhay ang pagkakaisa, disiplina, at tapat na malasakit sa pagbibigay ng serbisyo para sa patuloy na pag-unlad at kasiglahan ng bayan.

Ang lingguhang gawaing ito ay buong pusong sinusportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang panatilihing matatag at nagkakaisa ang pamunuan at kawani sa paglilingkod sa bawat San Rafaeleño.




Comments