top of page

Moving Up Ceremony 2026 ng mga Daycare Centers, Idinaos


Isang makabuluhang yugto ang ipinagdiwang ng mga kabataang mag-aaral mula sa iba't ibang daycare centers sa ating bayan sa ginanap na Early Childhood Care and Development (ECCD) Moving Up Ceremony 2026.


Personal na dumalo upang magbigay ng suporta at inspirasyon sina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, at Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente. Kasama rin sa nasabing okasyon ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Punong Barangay, at mga kawani ng lokal na pamahalaan.



Binigyang-diin sa seremonya ang kahalagahan ng maagang edukasyon sa paghubog ng kaalaman, kakayahan, at magandang asal ng mga bata. Ayon kay Mayor Violago, ang pundasyong inilalatag sa ECCD ay krusyal na paghahanda para sa susunod na antas ng kanilang pag-aaral at sa kanilang kinabukasan.


Pinuri rin ni Vice Mayor Veneracion ang dedikasyon ng mga Child Development Workers sa pagtuturo sa mga bata sa kabila ng mga hamon. Ang pagdiriwang na ito ay simbolo ng pag-asa at patunay na ang bawat batang San Rafaeleño ay may kakayahang umunlad sa tulong ng nagkakaisang komunidad.

Comments


bottom of page