Mga Solo Parent sa San Rafael, Nabiyayaan ng Livelihood Formation Package mula sa DOLE
- SB San Rafael

- Jul 8
- 1 min read

Upang matulungan ang mga nagsisikap na magulang na nag-iisang itinaguyod ang kanilang pamilya, matagumpay na naipamahagi ang Livelihood Formation Package for Solo Parents sa bayan ng San Rafael.
Ang naturang programa ay sa pakikipagtulungan at suporta ng Department of Labor and Employment (DOLE) Regional Office III katuwang ang Lokal na Pamahalaang Bayan sa pamumuno nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion.
Layunin ng proyektong ito na magkaloob ng paunang kagamitan, kasanayan, at puhunan para sa mga kwalipikadong solo parent upang makapagsimula sila ng sariling maliit na negosyo at magkaroon ng matatag na mapagkukunan ng kita.
Nagpaabot naman ng malalim na pasasalamat ang pamahalaang bayan sa DOLE Regional Office III para sa patuloy na pag-alalay sa mga sektor na nangangailangan ng pagkakataong pangkabuhayan sa komunidad.
Inaasahan na sa pamamagitan ng mga ganitong programa, mas mapapalakas ang kakayahan ng mga solo parent na maging produktibo at katuwang sa patuloy na pag-angat ng ekonomiya ng bayan ng San Rafael.




Comments