Mga Punong Barangay, Tumatanggap ng Buto ng Gulay para sa HAPAG Program
- SB San Rafael

- May 4
- 1 min read

Upang mas mapalakas ang seguridad sa pagkain at maitaguyod ang malusog na pamumuhay, nagsagawa ng pamamahagi ng mga buto at binhing gulay ang Municipal Agriculture Office sa mga Punong Barangay ng iba't ibang komunidad sa bayan.
Ang inisyatibo ay pinangunahan ng Municipal Agriculturist na si Ma'am Rea Joy Calderon, katuwang ang masipag na Punong Bayan, Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr., at Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente.
Ang pamamahagi ay bahagi ng HAPAG Program (Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay sa Barangay) at ng adbokasiyang “Gulayan sa Bawat Tahanan.” Layunin nitong hikayatin ang bawat pamilya na magtanim ng sariling pagkain upang mabawasan ang gastusin sa araw-araw at masiguro ang masustansyang nutrisyon sa loob ng mga tahanan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga binhing ito ay ipapamahagi sa mga nasasakupan ng barangay upang simulan ang pagtatayo ng mga komunidad at sariling bakuran na may taniman. Bahagi ito ng patuloy na pagsisikap ng bayan ng San Rafael na maging mas matatag at may sapat na suplay ng pagkain sa gitna ng hamon ng ekonomiya.





Comments