Mga Programang Pangkalusugan sa San Rafael, Mas Pinalakas sa Pagpupulong ng Local Health Board
- SB San Rafael

- Jun 24
- 1 min read

Upang masiguro ang de-kalidad at abot-kayang pangangalagang medikal para sa lahat, muling nagtipon ang Local Health Board (LHB) ng bayan para sa isang mahalagang pagpupulong na nakatuon sa pagpapalakas ng mga programang pangkalusugan.
Sentro sa naging diskusyon ang kasalukuyang kalagayan ng kalusugan ng mga San Rafaeleño, kung saan sinuri ang mga umiiral na serbisyong medikal at ang takbo ng mga proyektong pangkalusugan sa iba't ibang barangay.

Bukod sa pag-usisa sa kasalukuyang sitwasyon, naglatag din ang lupon ng mga konkretong hakbang at estratehiya upang mas mapabilis, mapabuti, at mapalawak pa ang paghahatid ng mga gamot, konsultasyon, at iba pang serbisyong medikal nang direkta sa bawat komunidad, partikular na sa mga malalayong lugar.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang regular na pagpupulong na ito ng Local Health Board ay bahagi ng seryosong adbokasiya ng administrasyon na unahin ang kapakanan ng mamamayan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga solusyong pangkalusugan na mabilis, maaasahan, at tumutugon sa pangangailangan ng bawat pamilya.





Comments