Mga Market Vendor sa San Rafael, Sumailalim sa Orientation sa Single-Use Plastic at Waste Segregation

Isinagawa ang Orientation on Single-Use Plastic and Waste Segregation para sa mga market vendor sa mga pamilihan ng San Rafael bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng wastong pamamahala ng basura at pangangalaga sa kapaligiran.
Pinangunahan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa pamumuno ni Ma’am Zenaida Villanueva ang naturang orientation, katuwang si Sanitation Inspector II Ma’am Mary Grace Marcellana at mga kawani ng Public Market.

Dumalo rin sa aktibidad si Konsehal Edlin M. Indon, Chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, na nagbigay ng mensahe hinggil sa kahalagahan ng pakikiisa ng mga vendor at iba pang sektor sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa mga pamilihan.
Nagbigay rin ng mensahe si Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, na binigyang-diin ang mahalagang papel ng bawat isa sa responsableng pangangalaga sa kapaligiran at pagpapanatili ng malinis na komunidad.
Layunin ng orientation na mapalawak ang kaalaman at kamalayan ng mga market vendor hinggil sa tamang paggamit at pagbabawas ng single-use plastics, wastong paghihiwalay ng basura, at responsableng pagtatapon ng mga waste materials.
Sa pamamagitan ng naturang programa, patuloy na hinihikayat ang mga vendor at mamamayan na makiisa sa mga hakbang ng lokal na pamahalaan tungo sa mas malinis, maayos, at makakalikasang San Rafael.






Comments