Mga Barangay sa San Rafael, Pumasa sa BEST Barangay Assessment

Pumasa ang ilang barangay sa San Rafael sa isinagawang pagtatasa para sa Barangay Excellence in Service and Transparency (BEST) Barangay.
Ang pagkakapasa sa assessment ay nagpapakita ng kanilang pagsisikap sa pagpapatupad ng mahusay na pamamahala, transparent na serbisyo, at tapat na paglilingkod sa mga residente.
Sa pamamagitan ng BEST Barangay, kinikilala ang mga barangay na nagsusulong ng maayos na pamamahala at serbisyong tumutugon sa pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Nagpaabot ng pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa mga barangay na nakapasa sa pagtatasa at hinikayat ang mga ito na ipagpatuloy ang mahusay na paglilingkod sa komunidad.






Comments