MENRO San Rafael, Nanawagan ng Pagtutulungan sa Kalinisan upang Maiwasan ang Baha
- SB San Rafael

- Aug 13
- 1 min read

Muling nanawagan ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) San Rafael sa lahat ng mamamayan at opisyal ng barangay na magtulungan sa pagpapanatili ng kalinisan sa kani-kanilang mga komunidad.
Ayon sa paalala ng MENRO, mahalaga ang wastong pagtatapon ng basura at ang regular na paglilinis sa paligid upang maiwasan ang pagbara ng mga plastic at iba pang dumi sa mga kanal, creek, at estero sa bayan.
Ibinahagi ng tanggapan na ang pagbara sa mga daluyan ng tubig ang isa sa mga pangunahing dahilan ng mabilis na pagtaas ng tubig-baha kapag sumasapit ang tag-ulan o tuwing may masamang panahon.
Ang inisyatibo at adbokasiyang ito para sa kalikasan ay buong pusong itinaguyod ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang Sangguniang Bayan, upang tiyakin ang isang ligtas, malinis, at maunlad na kapaligiran para sa bawat San Rafaeleño.





Comments