MENRO San Rafael, Nagsagawa ng Malawakang Paglilinis sa Pantyon ng BMA sa San Roque

Nagsasagawa ng malawakang paglilinis ang mga EcoBoys ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) San Rafael sa pantyon ng BMA sa Barangay San Roque bilang bahagi ng paghahanda sa Undas.
Kasabay nito, nanawagan ang MENRO sa publiko na panatilihin ang kalinisan sa paligid at iwasang magtambak ng basura sa mga hindi tamang lugar.
Pinayuhan din ang mga hindi pa nakapaglilinis na ilagay ang kanilang mga basura sa malalaking plastic bag upang mas madali itong makolekta ng mga basurero.
Hinikayat ang lahat na makiisa sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa sementeryo upang maging maayos ang pagdalaw ng mga mamamayan ngayong Undas.






Comments