top of page

MENRO San Rafael, Ipinagpatuloy ang Paglilinis sa mga Pambayang Libingan

Oct 28
1 min read

Ipinagpatuloy ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) San Rafael ang paglilinis sa mga pambayang libingan sa ikatlong araw ng kanilang clean-up drive bilang paghahanda sa pagdagsa ng mga bibisita sa panahon ng Undas.


Isinasagawa ang paglilinis sa tagubilin ni Punong Bayan Igg. Cipriano D. Violago, Jr. upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng mga pampublikong lugar, lalo na sa mga sementeryo na dinarayo upang alalahanin ang mga yumaong mahal sa buhay.


Muling nanawagan ang MENRO sa publiko na panatilihing malinis ang mga libingan at iwasang magtapon ng basura kung saan-saan. Hinihikayat ang lahat na ilagay ang mga basura sa transparent na plastic at itapon ang mga ito sa mga itinalagang lugar.


Patuloy ang paalala ng tanggapan na makiisa ang bawat isa sa pagpapanatili ng kalinisan upang maging maayos at malinis ang mga sementeryo bago at sa panahon ng Undas.

Comments


bottom of page