top of page

MENRO, POPCOM, at MSWD, Nagkaisa sa Pag-audit ng mga Pamilyang Naninirahan Gilid ng mga Ilog


Bilang bahagi ng malawakang adbokasiya para sa kalikasan at kaligtasan ng mamamayan, matagumpay na isinagawa ang isang masusing updating at validation para sa mga Informal Settler Families (ISF) sa iba't ibang bahagi ng bayan.


Ang mahalagang aktibidad na ito ay pinangunahan ng pinagsamang puwersa ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Population Commission (POPCOM), katuwang ang Municipal Social Welfare and Development (MSWD).


Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas pinalawak na inisyatiba ng pambansang pamahalaan para sa mga munisipalidad at lungsod na nasasakupan ng Manila Bay watershed area. Pangunahing layunin nito na makakuha ng eksaktong datos ng mga pamilyang kasalukuyang naninirahan sa mga delikadong lugar, partikular na sa mga tabing-ilog, estero, at iba pang daluyan ng tubig na direktang konektado sa Manila Bay.


Isinusulong ang programang ito alinsunod sa mahigpit na kautusan (Supreme Court Mandamus) na linisin, ayusin, at panatilihing ligtas ang mga anyong tubig. Sa pamamagitan nito, nilalayon ng gobyerno na maiwasan ang polusyon, mapigilan ang matinding pagbaha, at mailayo sa kapahamakan at sakit ang mga residente.


Ayon sa lokal na pamahalaan, ang sama-samang pagkilos ng iba't ibang tanggapan ay patunay ng seryosong pangako ng San Rafael na makapagtatag ng mas maayos na pamamahala sa kapaligiran at makahanap ng pangmatagalang solusyon (tulad ng relokasyon at pabahay) para sa kapakanan at kaligtasan ng mga kababayang nangangailangan.

Comments


bottom of page