MENRO, Pinangunahan ang Arbor Day Tree Planting Kasama ang mga Opisyal at Pribadong Sektor
- SB San Rafael

- Jun 24
- 1 min read

Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Arbor Day, matagumpay na naglunsad ng isang malawakang tree planting activity ang Pamahalaang Bayan sa kahabaan ng Viola Highway ngayong Miyerkules ng umaga.
Ang aktibidad ay pinangasiwaan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) sa ilalim ng pamumuno ni Ma’am Zenaida Villanueva, na naglalayong isulong ang pangangalaga sa kalikasan at panatilihing luntian ang kapaligiran.

Nakiisa sa pagtatanim ang mga matataas na opisyal ng bayan sa pangunguna nina Municipal Administrator Dra. Marina R. Viente, Konsehal Edlin Indon, Konsehal Joel Veneracion, Konsehal Vic Paulino, at ABC President Reynaldo Pile, Jr. Kasama rin nilang nag-abot ng suporta ang mga hepe at kawani ng munisipyo, pati na si Festival Queen of Environment 2024 Ms. Jenny Rose Mediante.
Naging masigla rin ang partisipasyon ng iba't ibang ahensya ng gobyerno at mga pribadong organisasyon na nagpakita ng kanilang Corporate Social Responsibility (CSR) gaya ng:
CENRO, BFP, at PNP San Rafael
CJ Philippines at ADM/Neovia Philippines
RV Pile Enterprises at J&W Enterprises
San Rafael Ladies Club at Knights of Columbus 8754
HOMECOURT San Rafael Corp. at Royal Northwoods Golf Club Inc.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang malakihang pagtitipong ito ay malinaw na patunay ng sama-samang pagkilos at pagkakaisa ng publiko at pribadong sektor upang protektahan ang kalikasan at matiyak na may malinis, sariwa, at ligtas na kapaligirang mairaraos para sa susunod na henerasyon ng mga San Rafaeleño.





Comments