top of page

MDRRMC San Rafael, Nagsagawa ng Ikaapat na Quarterly Meeting

Oct 29
1 min read


Nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ng San Rafael ng ikaapat na quarterly meeting nitong Oktubre 28, 2026, upang talakayin ang mga hakbang sa paghahanda at pagtugon sa mga posibleng panganib at sakuna.


Sinuportahan ang pagpupulong ni Acting Municipal Mayor Edison M. Veneracion, kasama si Konsehal Joel M. Veneracion, na namumuno sa Committee on Peace and Order, at si REN Mendoza, Officer-in-Charge ng Secretariat, kasama ang iba pang miyembro ng konseho.


Kabilang sa mga pangunahing tinalakay ang Oplan Undas, partikular ang mga plano para sa kaligtasan, seguridad, pamamahala ng trapiko, at pagkontrol sa dami ng mga taong bibisita sa mga sementeryo ngayong Undas.


Tinalakay rin ang mga paghahanda sa posibleng epekto ng El Niño, kabilang ang mga estratehiya at planong pagkilos upang mabawasan ang epekto nito sa mga komunidad at lokal na pinagkukunan ng mga pangangailangan.


Kasama rin sa pagpupulong ang pagrepaso sa mga nagawa at naging pagtugon ng konseho sa mga sakuna noong ikatlong quarter ng taon.


Layunin ng pagpupulong na patuloy na mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng mga kinauukulang tanggapan upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan ng San Rafael.

Comments


bottom of page