MCRO San Rafael, Pinangunahan ang Flag Ceremony
- SB San Rafael

- Apr 20
- 1 min read

Isang makabuluhan at nagbibigay-inspirasyong pagsisimula ng linggo ang nasaksihan ngayong Lunes, ika-20 ng Abril, 2026, sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat sa Pamahalaang Bayan ng San Rafael.
Ang nasabing palatuntunan ay hindi lamang naging pagkakataon upang ipakita ang ating pagmamahal at paggalang sa watawat at sa bayan, kundi naging entablado rin para ipagdiwang ang husay ng isang San Rafaeleño. Personal na binigyan ng pagkilala at parangal ang ating kababayan na si Gng. Cherry C. Herrnandez, matapos siyang magwagi ng unang gantimpala sa isang pambansang paligsahan sa larangan ng pagsulat (national level writing competition).
Ang tagumpay ni Gng. Herrnandez ay nagsisilbing patunay ng angking talino at galing ng mga residente sa bayan. Ang pagpaparangal ay isinagawa bilang bahagi ng programa ng Municipal Civil Registry Office (MCRO), sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Mercedes Rivera, na siyang nagsilbing host para sa linggong ito.





Comments