top of page

Mayor’s Cup: Tennis Tournament 2026, Bukas na para sa mga San Rafaeleño


Muling magpapakitang-gilas ang mga atletang San Rafaeleño sa paglulunsad ng Mayor’s Cup: Tennis Tournament 2026. Ang paligsahang ito ay handog ni Punong Bayan Igg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. para sa lahat ng mga lehitimong residente ng bayan.


Layunin ng nasabing torneo na higit pang mapalakas ang diwa ng pagkakaisa, disiplina, at sportsmanship sa loob ng komunidad sa pamamagitan ng aktibong paglalaro. Bukas ang paligsahan para sa lahat ng mga kwalipikadong manlalaro na nais ipakita ang kanilang husay at galing sa larangan ng tennis.


Ayon sa panuntunan, tanging mga residente lamang ng San Rafael ang maaaring makilahok upang matiyak na ang mga lokal na talento ang mabibigyan ng pagkakataon na magningning. Ang hakbang na ito ay bahagi ng adbokasya ng alkalde na isulong ang malusog na pamumuhay at suportahan ang sektor ng palakasan sa bayan.


Ang mga interesadong lumahok ay may hanggang Mayo 15 lamang upang magparehistro. Maaaring bisitahin ang link na ito para sa opisyal na pagpapatala: https://forms.gle/JKvb8ZWdqAcuHMT16.

Comments


bottom of page