Mayor Goto Violago, Nakiisa sa League of Municipalities of the Philippines (LMP) 2026 General Assembly
- SB San Rafael

- Mar 10
- 1 min read

Bilang bahagi ng pagpapalakas ng ugnayan ng bawat lokal na pamahalaan sa bansa, dumalo si Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. sa ginanap na League of Municipalities of the Philippines (LMP) 2026 General Assembly.
Ang nasabing pambansang pagtitipon, na nilahukan ng mga Punong Bayan mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas, ay nagsisilbing mahalagang plataporma upang talakayin ang mga bagong polisiya, programa, at hamon na kinakaharap ng mga lokal na pamahalaan. Sa ilalim ng temang nakatuon sa inobasyon at mas mabilis na serbisyo publiko, naging pagkakataon din ito para kay Mayor Violago na makipagpalitan ng mga best practices na maaaring ipatupad sa bayan ng San Rafael.





Comments