top of page

Mayor Goto Violago, Nagpasalamat sa Tiwala at mga Suhestiyon ng Publiko


Upang matiyak na walang mamamayan ang mapag-iiwanan at lahat ay may boses sa lokal na gobyerno, patuloy na itinataguyod ng tanggapan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang isang bukas, madaling lapitan, at makataong pamamahala para sa lahat ng San Rafaeleño.


Araw-araw ay nagsisilbing daan ang opisina ng alkalde upang personal na mapakinggan ang iba't ibang sektor ng lipunan—mula sa mga kababayang nangangailangan ng tulong-pinansyal o medikal, mga residenteng naglalapit ng mga mungkahi, hanggang sa mga grupo na may mga programang nais ibahagi para sa ikabubuti ng komunidad.


Nagpaabot naman ng malalim na pasasalamat si Mayor Goto sa kaniyang mga kababayan dahil sa kaniyang patuloy na tiwala at pakikiisa sa kaniyang administrasyon. Ayon sa punong bayan, ang bawat pagbisita, ideya, at suhestiyon ng publiko ay itinuturing na mahalagang bahagi ng kaniyang layunin na makabuo ng mga solusyong angkop sa tunay na pangangailangan ng bayan.


Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na sa pamamagitan ng pagkakaisa at bukas na komunikasyon sa pagitan ng mga pinuno at ng mamamayan, mas lalo pang mapapalakas at mapapabilis ang paghahatid ng tapat at makabuluhang serbisyo-publiko na nararamdaman ng bawat pamilya sa San Rafael.

Comments


bottom of page