top of page

Mayor Goto Violago, Nagpaabot ng Suporta at Panalangin kay Cong. Cholo Violago Matapos ang SONA


Ipinahayag ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. ang kaniyang karangalan at buong pusong suporta sa kaniyang anak na si Congressman Mark Cholo Violago, Kinatawan ng Ikatlong Distrito ng Bulacan, sa ginanap na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.


Kasama ring dumalo sa naturang mahalagang kaganapan sa bansa ang maybahay ng Punong Bayan na si Mayora Mabel Violago at ang maybahay ni Congressman Cholo na si Gng. Cindy Violago.


Nagpaabot ng kaniyang mensahe at dalangin si Mayor Goto Violago para sa kinatawan ng ikatlong distrito matapos marinig ang mga inilatag na plano at adhikain ng pambansang pamahalaan para sa bansa.


Inihayag ng Punong Bayan ang kaniyang pag-asa na magsilbing inspirasyon ang mga proyektong ito upang patuloy na maglingkod si Cong. Cholo nang may katapatan, kahusayan, at tunay na malasakit sa bawat Bulakenyo.


Binigyang-diin din ng alkalde ang walang sawang pagsuporta ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael—katuwang si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion at ang Sangguniang Bayan—pati na rin ng buong mamamayang San Rafaeleño sa mga programang pangkagalingan at pag-unlad na isinusulong ng tanggapan ng kongresista para sa buong distrito.

Comments


bottom of page