MAO San Rafael, Nagsagawa ng Libreng Anti-Rabies Vaccination

Matagumpay na nagsagawa ang Municipal Agriculture Office (MAO) ng libreng pagbabakuna para sa mga alagang aso at pusa nitong Linggo, Setyembre 27, 2026, sa Waltermart San Rafael.
Layunin ng programa na maprotektahan ang mga alagang hayop laban sa rabies at makatulong sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan ng komunidad.
Hinikayat ng Municipal Agriculture Office ang mga pet owner na maging responsable sa pangangalaga ng kanilang mga alagang hayop at tiyaking nabibigyan ang mga ito ng regular na pagbabakuna.
Bahagi ang aktibidad ng patuloy na programa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa rabies prevention and control at pagsusulong ng responsableng pag-aalaga ng mga hayop sa komunidad.







Comments