Maligayang Pagbati sa Pag-iisang Dibdib ng Tatlong Magkasing-irog
- SB San Rafael

- May 19
- 1 min read
Updated: May 21

Tatlong magkasintahan ang pormal nang nagpalitan ng kanilang mga "I do" matapos silang pagbuklurin sa isang matimyas na kasalan na pinangunahan mismo ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.
Bilang boses at kinatawan ng batas sa lokal na pamahalaan, opisyal na pinag-isa ni Mayor Violago ang buhay at pagmamahalan ng mga sumusunod na bagong mag-asawa:
Mr. & Mrs. Reymart at Jazmin Andujar
Mr. & Mrs. Sidney at Diane Marie Esquerra
Mr. & Mrs. Wenzie at Faith Sharmaine Quirabo

Sa gitna ng seremonya, nagbahagi ng kanyang payo at pampatibay-loob ang alkalde para sa mga bagong kasal. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagtutulungan, pasensya, at walang sawang pagmamahalan upang mapanatiling matatag ang isang pamilya sa kabila ng mga hamon ng buhay.

Muli, ang buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pangunguna ni Mayor Goto Violago, ay nagpapaabot ng kanilang taos-pusong pagbati at panalangin para sa isang matagumpay, masagana, at mabiyayang pagsasama ng mga bagong mag-asawa habang tinatahak ang bagong yugto ng kanilang buhay.





Comments