Maligayang Pagbati! Dalawang Bagong Kasal, Binigyang-Seremonya sa Bayan ng San Rafael
- SB San Rafael

- Mar 31
- 1 min read

Sa ilalim ng sagradong panunumpa at legal na proseso ng ating bayan, matagumpay na pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng dalawang pares ng magkasintahan ngayong araw sa ating munisipyo.
Buong kagalakang nagpalitan ng "I do" sa harap ng ating alkalde ang mga sumusunod na bagong mag-asawa:
💍 Mr. & Mrs. Zebedee & Angela Libiran
💍 Mr. & Mrs. Ryn Glenn & Cashmir Padolina

Ang seremonya ay nagsilbing pormal na pagkilala sa kanilang pagmamahalan at pagpasok sa bagong kabanata ng kanilang buhay bilang magkatuwang. Ayon kay Mayor Violago, ang pamilya ang pundasyon ng isang matatag na lipunan, kaya naman kaisa ang lokal na pamahalaan sa pagpapatibay ng mga ganitong ugnayan.
Sa kanyang maikling mensahe, hiniling ng Punong Bayan ang isang matatag, puno ng pag-ibig, at mabiyayang pagsasama para sa mga bagong kasal. Katuwang si Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion at ang buong Pamahalaang Bayan, hangad natin ang kanilang tagumpay sa pagbuo ng kani-kanilang masayang tahanan.





Comments