Maligayang Kaarawan, PB Jinggoy Roberto!
- SB San Rafael

- Jul 31
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ni Punong Barangay Bernardo "Kap. Jinggoy" V. Roberto, Jr. ng Barangay Poblacion.
Ang opisyal na pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, at ng buong kasapi ng Sangguniang Bayan.
Kinalala at pinasalamatan ng pamahalaang lokal ang walang sawang dedikasyon at masipag na paglilingkod ni PB Jinggoy Roberto sa kaniyang mga nasasakupan sa Barangay Poblacion, gayundin ang kaniyang patuloy na pakikipagtulungan sa mga programa at proyekto ng bayan.
Hangad ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang kaniyang patuloy na mabuting kalusugan, haba ng buhay, at karagdagang tagumpay sa kaniyang patuloy na pamumuno at paglilingkod sa komunidad.




Comments