Maligayang Kaarawan, Mayor Goto Violago!
- SB San Rafael

- Aug 1
- 1 min read

Nagpaabot ng taos-pusong pagbati at pagpupugay ang buong Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng masipag, mapagkalinga, at mapagmahal na Punong Bayan, Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr.
Nakiisa ang mga kawani ng Pamahalaang Bayan, mga pampublikong lingkod-bayan, at ang mamamayan ng San Rafael sa pagpapadala ng mga dalangin at pagbati para sa lider ng bayan. Hangad ng buong komunidad na patuloy siyang pagkalooban ng Poong Maykapal ng mabuting kalusugan, lakas ng katawan, karunungan, at mas maraming biyaya upang maipagpatuloy ang kanyang tapat at dedikadong pamumuno.
Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, katuwang si Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion at ang Sangguniang Bayan, patuloy na isinusulong ang mga programang pangkagalingan, seguridad, at kaunlaran sa bawat barangay ng San Rafael.
Muli, isang maligayang kaarawan kay Mayor Goto Violago! Hangad ng buong San Rafael ang inyong patuloy na tagumpay at epektibong pamumuno para sa higit pang ikauunlad ng bayan.





Comments