Maligayang Kaarawan Ma'am Reina Apuhin!
- SB San Rafael

- Jun 24
- 1 min read

Nagpaabot ng isang opisyal at taos-pusong pagbati ang mga pinuno ng lokal na pamahalaan para sa kaarawan ng isa sa mga dedikadong pinuno ng samahan ng mga kawani sa bayan ngayong linggo.
Pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison M. Veneracion, at ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay-pugay kay Ma'am Reina T. Apuhin, ang kasalukuyang Pangulo ng San Rafael Municipal Employees Association (SRMEA).
Kinilala ng administrasyon ang kaniyang kasipagan at mahalagang papel sa paggabay sa mga kawani ng munisipyo, na katuwang ng pamahalaang bayan sa paghahatid ng tapat at mabilis na serbisyo-publiko sa mga mamamayan.
Kasabay ng pagdiriwang na ito, hiling ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael para kay Ma'am Reina ang patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang mga biyaya at patnubay mula sa Panginoong Maykapal upang magpatuloy ang kaniyang mahusay na pamumuno.





Comments