Maligayang Kaarawan Konsi Gerry!
- SB San Rafael

- Apr 8
- 1 min read

Nagpaabot ng isang masigla at taos-pusong pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael para sa kaarawan ng isa sa mga katuwang sa pag-unlad ng bayan, ang ating masipag na Municipal Councilor, Hon. Gerardo C. Torres.
Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, kinilala ang dedikasyon ni Konsehal Gerry sa paglilingkod sa mga San Rafaeleño.
Bilang isang aktibong miyembro ng lehislatura, si Konsehal Torres ay kilala sa kanyang pakikipagtulungan sa mga ordinansa at programang nakatuon sa kapakanan ng komunidad. Sa kanyang espesyal na araw, hiling ng buong pamunuan ang kanyang mabuting pangangatawan, kaligtasan, at patuloy na paggabay ng ating Panginoong Maykapal upang lalo pang mapalawig ang kanyang serbisyo sa bayan.





Comments