top of page

Maligayang Kaarawan, Konsi Edlin!


Isang mainit, masaya, at mapagpalang pagbati ang ipinaabot ng buong lokal na pamahalaan para sa kaarawan ng isa sa mga haligi ng lehislatura sa bayan, si Municipal Councilor Hon. Edlin M. Indon.


Ang pagbating ito para kay "Konsi" Edlin ay pinangunahan nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr., Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang kaniyang mga kasamahan sa Sangguniang Bayan at lahat ng kawani ng munisipyo.


Kilala si Konsehal Indon sa kaniyang pagiging masipag, madaling lapitan, at dedikasyon sa pagbabalangkas ng mga makabuluhang ordinansa at resolusyon na naglalayong iangat ang antas ng pamumuhay at maghatid ng direktang serbisyo sa mga San Rafaeleño.


Kaugnay ng kaniyang kaarawan, nagkakaisa ang mga pinuno ng bayan sa paghahangad para kay Konsi Edlin ng patuloy na mabuting kalusugan, kaligtasan, at higit pang mga biyaya at patnubay mula sa Panginoong Maykapal upang magpatuloy ang kaniyang tapat at masigasig na paglilingkod sa buong komunidad.

Comments


bottom of page