MALIGAYANG KAARAWAN, KAP. SOC ESTRELLA!
- SB San Rafael

- May 21
- 1 min read

Nagkaisang nagpaabot ng kanilang mainit na pagbati ang mga pinuno ng Lokal na Pamahalaan ng San Rafael para sa kaarawan ng isa sa mga masisipag na pinuno ng komunidad sa bayan.
Sa pangunguna nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong miyembro ng Sangguniang Bayan, ipinabot ng munisipyo ang kanilang maligayang pagbati kay Punong Barangay Socrates I. Estrella ng Barangay Balagtas BMA.
Kilala si "Kap. Soc" sa kanyang dedikasyon, sipag, at walang sawang paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan, na katuwang ng pamahalaang bayan sa pagpapatupad ng mga makabuluhang proyekto sa antas ng barangay.
Hangad ng buong pamunuan ng San Rafael ang patuloy na lakas ng katawan, mabuting kalusugan, at higit pang tagumpay para kay Kapitan Estrella upang patuloy nitong magabayan ang kanyang barangay tungo sa mas maunlad na kinabukasan.





Comments