Maligayang Kaarawan Kap. Michael Torres!
- SB San Rafael

- 7 days ago
- 1 min read

Nagpaabot ng mainit at masayang pagbati ang Pamahalaang Bayan ng San Rafael sa pagdiriwang ng kaarawan ng isa sa mga masisipag na pinuno ng barangay sa bayan, si Punong Barangay Igg. Michael C. Torres ng Salapungan.
Ang pagbati ay pinangunahan nina Punong Bayan Igg. Cipriano "Goto" D. Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Igg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang buong hanay ng Sangguniang Bayan. Kinilala ng mga pinuno ng bayan ang dedikasyon at tapat na paglilingkod ni Kap. Michael sa kanyang mga nasasakupan sa Barangay Salapungan.
Ayon sa lokal na pamahalaan, ang pakikipagtulungan ng mga tulad ni Kap. Michael ay mahalaga sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto na naglalayong mapaunlad ang buhay ng bawat pamilyang San Rafaeleño.
Hangad ng buong munisipyo ang patuloy na kalusugan, kaligayahan, at tagumpay para kay Kapitan Michael Torres upang mas marami pa siyang matulungan at mapagsilbihang mamamayan sa kanyang nasasakupan.





Comments