top of page

Maligayang Bati sa mga Bagong Kasal ng San Rafael


Sa ilalim ng sagrado at legal na seremonya, pinangunahan ni Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. ang pag-iisang dibdib ng dalawang pares ng ating mga kababayan ngayong araw.


Buong galak na nagsumpaan ng kanilang pagmamahalan at katapatan sa harap ng alkalde sina:

  • Mr. & Mrs. Bienvenido at Josephine Pizarra

  • Mr. & Mrs. Mar Oliver at Rose Lyn Sevilla



Ang pagpapadaloy ng mga seremonya ng kasal ay bahagi ng tungkulin ng Punong Bayan upang matiyak na ang bawat pamilyang San Rafaeleño ay itinatatag sa ilalim ng batas at may matibay na pundasyon. Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Mayor Violago ang kahalagahan ng pag-uunawaan, pasensya, at pananalig sa Maykapal upang mapanatiling matatag ang pagsasama sa gitna ng anumang hamon ng buhay.


Hangad nina Mayor Goto, Vice Mayor Edison "Kuya Edison" Veneracion, at ng buong Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang isang masaya, matagumpay, at mabiyayang pagsasama para sa mga bagong kasal.

Comments


bottom of page