top of page

Mabilis na Kamay at Matalas na Isip: Table Tennis Coaches at Participants, Ipinakilala Na


Kasabay ng pagpapasigla sa programa para sa palakasan ngayong bakasyon, pormal nang ipinakilala ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael ang mga bihasang Table Tennis Coaches na mangunguna sa Summer Sports Clinic 2026.


Sa ilalim ng adbokasiya nina Punong Bayan Kgg. Cipriano "Goto" Violago, Jr. at Pangalawang Punong Bayan Kgg. Edison "Kuya Edison" Veneracion, layunin ng pagsasanay na ito na linangin ang bilis, liksi, at konsentrasyon ng ating mga kabataan.


Inaasahan na sa pamamagitan ng gabay ng mga coaches, mas mahahasa ang kasanayan ng mga kalahok habang itinatanim sa kanilang puso ang disiplina at sportsmanship.

Kasunod nito, inilabas na rin ang opisyal na listahan ng mga rehistradong Table Tennis participants. Pinapayuhan ang lahat ng mga aplikante na suriin ang kanilang mga pangalan sa kalakip na listahan upang matiyak ang kanilang pagsali sa nasabing sports clinic.


Paalala para sa mga manlalaro:

  • 📍 Venue: Sanctuario of St. Maria Theresa School

  • 🕗 Oras: 1:00 PM – 3:00 PM

  • 🏓 Paalala: Tiyaking dumating sa tamang oras at dala ang inyong kaukulang sports gear (racket at sapatos).


Comments


bottom of page