top of page

Lugar Pagtatayuan ng Warehouse sa Brgy. Capihan, Sinuri ng Sangguniang Bayan


Upang matiyak ang maayos at ligtas na pagpapatayo ng mga imprastraktura sa bayan, nagsagawa ng isang Ocular Inspection ang Sangguniang Bayan ng San Rafael sa lokasyong pagtatayuan ng isang bodega o warehouse sa Barangay Capihan.


Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan ng ating Pangalawang Punong Bayan, Kgg. Edison "Kuya Edison" M. Veneracion, kasama ang mga kagalang-galang na Kagawad ng Sangguniang Bayan.



Personal na pinuntahan at sinuri ng grupo ang itatayong warehouse na pagmamay-ari ni Leonida Buco upang tiyakin ang kaangkupan at kalagayan ng lugar. Bahagi ito ng mahigpit na proseso ng pagsusuri ng pamahalaang lokal bago mag-apruba ng mga permit at iba pang dokumento.


Binigyang-diin ni Vice Mayor Veneracion na mahalagang masunod ang lahat ng umiiral na alituntunin, zoning ordinances, at regulasyon ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael upang masiguro na walang magiging sagabal sa daloy ng trapiko, kalikasan, at kaligtasan ng mga residente sa Brgy. Capihan.

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page