top of page

LTOPF CARAVAN 2026, ISASAGAWA SA SAN RAFAEL SA NOBYEMBRE 23–24

Nov 13
1 min read

San Rafael, Bulacan – Isasagawa ng Pamahalaang Bayan ng San Rafael, sa pakikipag-ugnayan sa San Rafael Municipal Police Station (MPS), ang License to Own and Possess Firearms (LTOPF) Caravan 2026 sa Nobyembre 23–24, 2026.


Gaganapin ang aktibidad sa ikatlong palapag ng Municipal Building sa Barangay Sampaloc, San Rafael, Bulacan.


Layunin ng programa na mailapit sa mga residente ang mga serbisyo kaugnay ng pag-aaplay at pag-renew ng LTOPF, gayundin ang pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa mga batas at regulasyon sa pagmamay-ari at responsableng paggamit ng baril.


Hinihikayat ang lahat ng kwalipikado at interesadong residente na samantalahin ang pagkakataong ito upang mas madaling maproseso ang kanilang mga aplikasyon.

Comments


bottom of page